Salaysay...article
Sinong di mag-aakala na ang buhay sa kolehiyo ay puno ng kulay. Sa bawat gilid ng sild ay parang saklaw mo na ang pinakamimithi. Sa bawat palapag na tahak na inaakyat, nababatid ang kakaibang saya sa kadahilanang natatanaw ko ang maliwanag na bukas at matamis na kinalabasan buhat sa bawat patak ng aking pawis at dugo kasabay sa pag-agos ang pagod at hirap. Sa bawat asotea na tinatambayan, nabubuhay ang pagkakaisa at pgtutulungan. Tunay ngang kamangha-mangha.
Ako ay simpleng tao lamang, taong patuloy na naghahanap at naghahangad ng kahulugan ng payak na buhay. tulad ng iba, wari isa akong aliping sagigilid na walang permanenteng kalulugaran. tulad ng iba, sumusunod sa daloy ng buhay. ngunit hindi nila batid sa kanilang isipan na natututo na akong makipagsapalaran dahil sa kanila. natututo na akong imulat ang aking mga mata sa mapangahas at mapagmalabis na kapaligiran. Napukaw ako sa mga imahe ng pagkatalo at tagumpay, kahirapan at kapalaluan. Hindi nila alam na isa ako sa kanila.
Sa kasalukuyan, patuloy ko pa rin nilalampasan ang mga hadlang sa lansangang aking nadadaanan upang matanaw at masulyapan ang pagsikat ng bagong panimula. Kabalikat ko ang aking mga kaibigan na patuloy sa pag-usbong. Nagkakaisa. Nagtutulungan. Ika pa nga nila "Sabay tayo sa bawat pagtibok ng ating puso, Sabay tayo sa lahat ng nais ako'y kasama mo. Sabay tayong lumuha. Sabay tayong magsaya. Sabay magsisikap sa iisang pangarap, Magkaramay sa lumbay, Magkasama sa lahat ng tagumpay. "









