Salaysay...article

Sinong di mag-aakala na ang buhay sa kolehiyo ay puno ng kulay. Sa bawat gilid ng sild ay parang saklaw mo na ang pinakamimithi. Sa bawat palapag na tahak na inaakyat, nababatid ang kakaibang saya sa kadahilanang natatanaw ko ang maliwanag na bukas at matamis na kinalabasan buhat sa bawat patak ng aking pawis at dugo kasabay sa pag-agos ang pagod at hirap. Sa bawat asotea na tinatambayan, nabubuhay ang pagkakaisa at pgtutulungan. Tunay ngang kamangha-mangha.

Ako ay simpleng tao lamang, taong patuloy na naghahanap at naghahangad ng kahulugan ng payak na buhay. tulad ng iba, wari isa akong aliping sagigilid na walang permanenteng kalulugaran. tulad ng iba, sumusunod sa daloy ng buhay. ngunit hindi nila batid sa kanilang isipan na natututo na akong makipagsapalaran dahil sa kanila. natututo na akong imulat ang aking mga mata sa mapangahas at mapagmalabis na kapaligiran. Napukaw ako sa mga imahe ng pagkatalo at tagumpay, kahirapan at kapalaluan. Hindi nila alam na isa ako sa kanila.


Matagumpay kong nakamit ang kinalulugaran ko ngayon. Nasa ikatlong taon na ako sa kolehiyo. Hindi biro ang makatungtong sa ikatlong yugto. Umaapaw ang pighati, pagdurusa, kalungkutan, at kadismayaan at patuloy akong nilulunod nito. Hinahampas ako ng alon ng pighati sa mga panahong mawawala ng parang bula ang mga taong napalapit na sa akin. Hinihila akong pababa ng pagdurusa sa mga oras na sinuggaban ng taong may hawak na patalim na kirot. hinihigop ako ng kalungkutan wari'y salat ako sa mga masasayang alaala. Binabaha ako ng mga kadismayaan. Ngunit sa bawat hamon na kinakaharap ko, sinisisid ako ng aking mga kaibiganupang masalba at matutong tumayo muli. Sila ang nagbigay kulay sa mapait at nandidilim kong karanasan. Sila ang dahilan sa muli kong pagbangon. Sila ang dahilan ng aking muling pagsilang.

Sa kasalukuyan, patuloy ko pa rin nilalampasan ang mga hadlang sa lansangang aking nadadaanan upang matanaw at masulyapan ang pagsikat ng bagong panimula. Kabalikat ko ang aking mga kaibigan na patuloy sa pag-usbong. Nagkakaisa. Nagtutulungan. Ika pa nga nila "Sabay tayo sa bawat pagtibok ng ating puso, Sabay tayo sa lahat ng nais ako'y kasama mo. Sabay tayong lumuha. Sabay tayong magsaya. Sabay magsisikap sa iisang pangarap, Magkaramay sa lumbay, Magkasama sa lahat ng tagumpay. "









  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • Twitter
  • RSS

3 Response to "Salaysay...article"

  1. Anonymous Says:
    December 22, 2007 at 10:40 AM

    char kaau ka paul..buring.

  2. kheycee says:
    December 27, 2007 at 2:20 AM

    paul, buring jud ka! mkahilak! aw..ehehe...aus gud! galing mo paul! bow ako sa iyo..ang lalalim ng mga salitang iyong binigkas..charmuz! ahaha...keep up the good work!

  3. Anonymous Says:
    February 3, 2008 at 7:21 PM

    ang cute ko sa last na pic.. :)

Post a Comment