Ang Pagpapaalam

Isang taon na naman ang lumipas. Isang taon ng saya at kagalakan, lungkot at pangungulila na nagbigay ng maganda at makulay na kwento sa bawat yugto ng aking buhay. Ngunit bago ko simulan ang panibagong pahina, nais kong pagngilayan at balikan ang mga masasayang araw, nakakakabang mga linggo, at mga nakakabagot na buwan na nakaraan na nagtatak sa aking puso at munti at mura kong isipan - mga alaalang hindi mawaglit ninoman kung saan hinamon ako upang ipamalas ang aking kakayahan, kung saan saksi ako sa pagbati ng aso't pusa, at kung saan dinudumog ako ng sari-saring istorya na tunay nga namang nakakagulat at nakakamangha, nakakapagtaka at minsan bale wala na lang. Tuluyan na ngang pumasok ang taong 2008 nang puno ng saya, magarbo at maingay. Sa bawat patak ng oras ay sasariwain ko ang mga masasaya at kahabag-habag na pangyayari na siyang bumubuo sa aking kabuuan.

Enero 1, 2007, tila malaking pyesta kung saan lahat ng tao sa Pilipinas pati na rin ang mga tao sa mga karatig-bansa ay naghanda upang sabay-sabay saksihan ang pagpatak ng kamay ng orasan at salubungin ang bagong bukang liwayway na siyang sisikat sa buong taon. Parang kailan lang, tandang-tanda ko na halos magkaundagaga na ako sa paglilinis ng bahay, pag-aayos ng mga porselanang palamuti sa kabinet, pagtulong sa paghanda ng nag-uumapaw na mga sangkap at pag-aasikaso na isaayos ang mga maliliit at naglalakihang sisidlan. Hirap na hirap ako nun wari isang kasambahay na walang alam gawin kundi sumunod. Mangmang ang bumuo sa aking kahibangang pag-iisip. Ngunit biglang kumumpas ng mabilis ang kamay ni Mamang Segundo at biglang umingay ang kapaligiran. May naghihiyawan, malakas na tugtugin na yumanig ng aming pamamahay, at nagraratratan na talaga naming nakakabulahaw at parang isang nota na lang ay sasabog na ang aking tainga. Broom… pok… pok… bugssshh… Whoa… Tila tumigil ang oras na pagpatak sa aking nakita. Ang ingay na pilit sumisid at pumasok sa aking tainga ay parang isang oyayi. Ang ganda. Napakaganda. Ang kalawakan ay nababalutan ng sari-saring bulaklak sa langit na may iba’t ibang kulay tulad ng bahaghari. Ang gabi ay pinunuan ng kumukutitap na bituin. Ramdam ko ang napakalambot na haplos ng malamig na hangin. Napakasarap at napakagaan sa pakiramdam.

Ilang araw na nagdaan ay muling pagbalik ng klase. Dali-dali akong kumilos upang makahabol sa oras na halos lumundag ang aking puso para di mahuli. Sa aking pagdating ay natanaw ko ang mga matatamis na mga ngiti ng aking mga kaibigan. May naghalakhakan at nagbabatian. Agad akong lumapit at bumati sa kanila. Sa di malamang dahilan, napawi agad ang aking pagod at sakit sa katawan. Talaga namang di madala sa hula ang buhay. Sino bang mag-aakala na ang taong ito ay taon ng pagkakaibigan. Ako, si nanay, keichi, teteru, ruki, jidd, susiedear, karlatotoy, stupe, toreshii at ariansshi ay mas lalong bumuo ng matibay na pagsasamahan. Magkaramay ang bawat isa sa hirap at ginhawa. Masasabi nga nating barkadang walang iwanan. O diba bungga! Sa taong ito, batid ko ang bayanihan ng barkada. Nagkakaisa sa iisang hangarin, tulung-tulong upang sumulong, nakikipagsabayan upang maabot ang inaasam-asam, at sumasakop sa pagbabago. Sa taong ito, nahahasa an gamin abilidad. Di lamang sa pag-aaral kami magaling, pati na rin ang gimik at paglilibang ay pinasok na rin naming. Akalain mo ba naman na kumain kami sa sementeryo at gumawa ng Data Structure, nag-aral ng political science sa Philippine Eagle, at nagcheck-in sa suki at walang katulad na hotel/motel. to be continued...

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • Twitter
  • RSS

0 Response to "Ang Pagpapaalam"

Post a Comment